Saturday, December 16, 2006

Metaphor? Simile!

"Ate, Ayen, linisin niyo nga yung labas!"

Just a few minutes ago, I was outside, raking the leaves on the ground. Suddenly, an impulsive realization came out from nowhere -- "Friendship and Love is like raking." (ang weird noh?)

Paano nga ba mag-rake? Sa totoo lang, ngayon lang ako nakahawak nito eh, ngayon ko lang nalaman na talaga palang nag-eexist 'to (huh? ano daw?) , talaga palang ginagamit nila 'to (duhh?). Dati kasi, sa Pilipinas, noong elementary ako, lagi namin pinag-uusapan ang rake. Ngayon, eto ako naman ang may hawak, ako naman ang gumagamit, ako naman ang nagre-rake. Sandali lang, may bigla akong naisip, ganun pala yun pag fall na, iipunin mo yung mga dahon na nalaglag, may masasama, may maiiwan, may babalik, may tatangayin ng hangin. O anu namang kaugnayan nito sa love at pagkakaibigan?


Sa friendship..
Siguro nga tama sila, ikaw ang pumipili sa mga kaibigan mo. May mga iniiwasan kang kasama kasi ayaw mo sa kanila. Meron namang pinipilit mong isama, pero ayaw naman sayo. May mga para sayo talaga na kasama
mo, matagal na. (kumbaga, DESTINY!) May mga maiiwan, pero babalikan mo pa din dahil gusto mo sayo lahat, hindi naman sasama. Meron naman, minsan iniwan mo pero babalikan mo pa, babalik naman sayo, kasi gusto mo sila makasama, gusto ka rin nilang makasama. Sabi nga nila di ba, you cannot please everybody. Kung ano yung meron ka, makuntento ka dun. (pasalamat ka pa nga may mga true friends ka na tinadhana talaga para sayo eh) Kung sinong nakasundo mo, dun ka. Hindi ka dapat makibagay sa "iba" na hindi mo naman talaga kayang pakibagayan at lalong lalo nang hindi ka dapat magbago para lang maging "in" ka. Basta ako alam ko masaya ako kasi alam kong totoo sa akin yung mga kaibigan ko at ganun din naman ako sa kanila, tamang-tama lang sila sa akin.

Sa love?

Sa totoo lang, pareho lang sila ng logic ng friendship. Bakit? Kasi sa love, minsan hindi mo rin makukuha yung gusto mo. Katulad na lang ng nangyari sakin kanina, hindi ko makuha yung isang dahon kasi may nakaharang. Ganun din minsan pag nagmahal ka, hindi mo siya makuha, hindi mo siya mabalik kasi may nakaharang, may tutol o kung anu mang dahilan basta hindi siya mababalik sayo itaya mo man buhay mo. Binigay mo na lahat ng lakas mo, ginawa mo nang lahat, pinaramdam mo nang sincere ka, makuha mo lang ulit siya, hindi na pwede kasi may "nakaharang" nga. Meron pa nga eh, inipon mong mabuti, pinaghirapan, tapos mawawala dahil LANG sa hangin. (yun bang mga biglaang umaalis?) Minsan naman, unexpected, bigla nalang sasama sayo pero ayaw mo naman. Tapos may mga pagkakataon pang, sinadya mo na nga iwan, kusa naman bumabalik sayo. (ang weird talaga, nakakagago!)

Siguro ganun lang talaga. Di ko naman saktong sinasabing parehong pareho ang love and friendship sa pagre-rake. Madami pa kong metaphor pagdating sa love, life and friendship pero eto na siguro yung masasabi kong pinakaweird na naisip ko. Itong metaphor or let say simile na to ay gumagana lang habang nagre-rake ka, pero kung ang talagang purpose mo ay malinis yung backyard nyo, katulad ng pinagawa samen ng inay ko, eh ibang usapan na yun! ^_^

~ i'm outta here


"this could be nothing but i'm willing to give it a try"

No comments: